Ex-sexy star may banat kay Leila de Lima tungkol sa kasong rape

HMMM, nagsawa na rin marahil ang madlang pipol sa mga balita tungkol kay Sen. Leila de Lima.

Hindi nga namin napansing may isang Kat Alano pala na bumatikos dito recently dahil umano’y nanghingi ito ng suporta noong Justice Secretary pa si De Lima.

May isinisigaw kasi noong “rape” case ang dating TV host-actress pero walang sumeryoso sa kanya dahil up to this time ay hindi na naman nakabalik sa active showbiz works si Kat.

Isa pala si de Lima sa mga nilapitan niya na umano’y dinedma lang siya kaya’t rumeresbak ito ngayong ang senadora naman ang nananawagang huwag paaapi at ipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan sa bansa.

Hayyyyyy! Yun lang!

Read more...