Usapang C1 Originals Festivals 2016, kasama pala si Angeline Quinto sa cast ng narrative feature category na “Malinak Ya Labi” sa direksyon ni Jose Abdel Langit. Makakasama niya rito sina Allen Dizon, Richard Quan, Menggie Cobbarubias, Luz Fernandez at Raquel Villavicencio.
Pilyang tanong ng isang katoto, “May movie na naman si Angeline, kumita ba ‘yung huli niya (That Thing Called Tanga Na)? Baka mas gusto ng taong kumanta na lang siya?”
Pagtatanggol namin baka depende naman sa project, comedy ‘yung nakaraang movie niya sa Regal Entertainment at seryoso naman itong “Malinak Ya Labi” dahil misteryoso ang kuwento.
Ibang lengguwahe rin ang ginamit sa pelikula at talagang inaral daw ni Angeline ang Pangalatok, “Actually, ang tawag po nila sa salita nila Pangasinense, timing nga kasi ang province talaga namin ay sa Pangasinan, so bata palang ako naririnig ko na ang salita nila, pero hindi ako fluent magsalita, pero alam ko ‘yung mga ibig sabihin.”
Ibang-iba raw ang papel ni Angeline sa pelikula sa tunay niyang pagkatao, “Dito po sa movie, hindi ako ngumingiti o kumikibo, dark po ‘yung kuwento at isa akong teacher na walang alam gawin kundi magturo at umuwi sa pamilya ko. Loner po ako rito,” aniya.
Hmmmm, malaking challenge ito kay Angeline dahil finally, hindi siya magpapatawa.
Tinanong namin siya noon kung ano ang mas gusto niya, ang pag-aartista o pagkanta? “Siyempre ate Reggee, ang pagkanta kasi mas may pera at maraming shows, sa movie iilan lang, tatlong pelikula pa lang nagawa ko.
“Sa pagkanta, nakapagpagawa na ako ng bahay, napagawa ko na rin ‘yung bahay namin sa Sampaloc, nakapagpundar na ako ng mga gamit, sasakyan, kaya pagkanta pa rin,” sagot ni Angeline.
“Pinaghahandaan ko nga itong ‘Divas Live In Manila’ sa November 11 sa Araneta Coliseum, manood ka ha, makikita mo, sexy lahat ang isusuot ko,” anang dalaga.
Ano ba ang isusuot niya? “Basta! Kasi di ba, malaki boobs ko kaya plunging neckline ko, tapos since malaki ang puwet ko, backless pa.”