PALABAS kami ng bakuran ng TV5 sa Reliance St. sa Mandaluyong City, nakangiti kaming sinalubong ng nakatalagang sikyu.
Earlier kasi’y nagmo-monitor siya ng “Cristy Ferminute”, naintriga siya kung sino ‘yung pinaksa naming aktres na ayon kay Tita Cristy Fermin ay nagkakabit ng dark-colored curtains sa kanyang bedroom para hindi nito malaman ang time of the day. Nagdodroga raw kasi.
Maya-maya, we were flanked by a personal driver na nakisali na rin sa kuwentuhan namin ng guwardiya sabay kumpirma niya sa amin na nangunguna umano sa drug watch list ang isang sikat na male personality.
Ewan kung paanong he’s privy to the list, pero matagal na rin naming narinig ang pangalan ng kanyang tinutukoy. Minsan na naming ipinagtanggol ang celebrity na ‘yon, maaaring “suggestive” ang kanyang pangalan pero in our heart of hearts ay naniniwala kaming hanggang paggamit lang ang level ng kanyang pagkakasangkot sa isyu ng drugs.
Posible nga ring tumikim lang ito, but for that male celebrity to allow himself drawn to the vice ay mas lamang ang kalabuan. Oo nga’t he gravitates towards a circle of party animal-friends, pero sa kanyang daily grind (work load) ay mahihirapan niyang isingit ang pagbibisyo much less engage in selling drugs.
Hindi na niya kailangang kumita ng extra. Sa puntong ito ng buhay niya where he seems to have everything ay mas nanaisin pa niyang magkaroon ng totoong magmamahal sa kanya, nang hindi siya kinukuwartahan.