Pa-booking na aktres plastikada, kung makaasta akala mo virgin pa

NAIINIS na naaaliw ang aming impormante sa sobrang kadramahan ng isang babaeng personalidad na ang kuda ay nagdasal pa kuno siya, sobrang nerbiyos at naiyak nang kunan ang eksenang makikipagniig siya sa kanyang leading man, hindi nila pinaniwalaan ‘yun.

Nagtaasan ang kilay sa tenth floor ng mga miron, kahit anong press release pa ang sabihin ng hitad na female personality ay hindi nila bibilhin, dahil maraming alam ang mga impormante tungkol sa kanyang mga nakakalokang drama sa buhay.

Kuda ng isang source, “Ano raw? Pakiulit nga! Mukhang bingi ako kapag siya na ang nagsasabi ng ganu’n, himasmasan n’yo nga ako! Ano ang press release niya?

“Nakakaloka siya, ha? Bago raw kinunan ang eksena ng churvahan nila ng leading man niya, e, nagdasal pa kuno siya? At naiyak pa pala siya, ha? At ninerbiyos pa raw siya, ha?

“Nasa tamang huwisyo ba siya nu’ng iispluk niya ang mga kadramahang ‘yun? Ano’ng pinagsasasabi niya, e, dati na siyang sanay na sanay sa mga ganu’ng eksena?

“At hindi lang ‘yun sa mga ginagawa niyang eksena sa TV, sa totoong buhay ‘yun! Tantanan nga niya kami ng mga kadramahan niya! Nakakapanindig-balahibo ‘yun, sa true lang!

“Ayaw ng mga Boogie Wonderland ng mga aryang ganu’n, ha? Ayaw! Batambata pa lang siya, e, marami na siyang karanasan, makulay na ang buhay niya, kaya manahimik siya!” sultada ng aming source na naiinis.

May mga milagro pala kasing ginagawa ang female personality na itey, matagal na siyang pa-booking, kilalang-kilala na siya sa ganu’ng trabaho.

“Maluho kasi ang babaeng ‘yun, mahilig siya sa mga kagamitang branded, kaya para makabili siya nu’n, e, nagbebenta muna siya ng buhay na karne sa palengke. Product siya ng isang talent search, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday! Getlak n’yo na kung sino siya?” nakataas pa rin ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Read more...