Bato hindi dapat palaging nagpapatawa | Bandera

Bato hindi dapat palaging nagpapatawa

Ramon Tulfo - October 29, 2016 - 12:10 AM

MALIBAN sa malalaking investment opportunities na dinala ni Pangulong Digong sa kanyang state visit sa China, nauwaan din natin na ang nagising na Sleeping Dragon ay hindi pala nagbubuga ng apoy kundi isang magiliw na kaibigan.

Sa kabilang banda, ang pagbisita ng ating Presidente sa Japan ay nagresulta ng mas matinding relasyon ng ating bansa at ng Japan.

Naipakita rin natin sa Japan na ayaw na nating maging pabigat sa America at ibig na nating mag-iba ng landas sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
We have to chart our own destiny, ‘ika nga.

Ang magkaibigan na naging magkaaway at nagkabati ay nagiging matindi ang relasyon kesa dati.

Ang ating relasyon sa China ay maihahambing sa magkasintahan na nagkahiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan at ngayon ay nagkabalikan.

Ang resulta, isang supling, sa magkasintahan.

Sa panig naman ng Pilipinas at China, ang pagbabalik ng pagkakaibigan ay magiging ugat ng better trade and commerce between the two countries.

Sa mga nagsusugal ang tawag sa sunod-sunod na panalo ay “ratsada.”

Ratsada sa suerte ang nangyari kay Presidente Digong sa kanyang pagbisita sa China at Japan.

To top it all, nanalo ang ating Binibining Pilipinas- International na si Kylie Verzosa, sa Miss

International beauty pageant na ginanap sa Tokyo habang bumibisita si Digong sa Japan.
Sa salitang Ingles, when it rains, it pours.

Maraming pulis ang ginagamit ang kampanya sa droga sa kanilang masamang gawain.

Isang halimbawa ay itong si Chief Insp. Sherwin Cuntapay, chief ng Makati Police intelligence unit.

Pinadala ni Cuntapay ang kanyang mga tauhan—SPO3 Acman, SPO2 Jaboli, PO3 Aseboque, PO3 Javier—sa bahay ni Wee Siong Lai, isang Singaporean, upang imbestigahan dahil daw sa kanyang pagkakasangkot sa drug trafficking.

Si Wee ay may-ari ng isang call center at online gambling operations na may pahintulot ng gobyerno.

Sinabi ng mga tauhan ni Cuntapay kay Wee na pinamamatyagan ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Natakot ang Singaporean kahit na siya ay inosente at nagbigay ng P750,000.

Ang halaga raw na yun ay para mabura ang pangalan ni Wee sa listahan ng mga drug lords.

Alam mo ba kung kanino sinabi ni Cuntapay na magbigay siya? Sa abogado ni Wee.

Garapal ano? Di na natakot na baka makasuhan siya.

Di pa nasiyahan, humihingi pa sana ng buwanang lagay si Cuntapay kung hindi na ako mismo ang nakialam.

Dahil desperado na si Wee, lumapit na siya sa inyong lingkod.

Ngayong binanggit ko ang kanyang pangalan sa column na ito, dapat ay imbestigahan ni Bato ang alegasyon ng Singaporean.

Itong si Bato ay puro na lang pa-showbiz effect.

Dahil palagi siyang nasa limelight ay parang hindi siya seryoso sa kampanya sa droga.

Palagi siyang nagpa-patawa; para tuloy siyang komedyano at hindi pulis.

Naturingang PNP chief siya pa man din.

Hindi bagay sa isang mataas na opisyal ang palaging nagpapatawa.

Baka mawalan ng respeto sa kanya ang kanyang mga tauhan.

Dapat ay ilagay niya sa lugar ang pagpapatawa.

Isinubpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Deputy Customs Commissioner for Intelligence Arnel Alcaraz upang magpaliwanag sa bintang sa kanya na extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Si Alcaraz, na isang abogado, ay inutusan na magpakita sa mga NBI investigators sa Miyerkoles, Nov. 2.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang subpoena kay Alcaraz ay nilagdaan ni Ricardo Diaz, director ng National Capital Region ng NBI.
Ang NBI ay may kapangyarihan na mag-imbestiga ng mga government officials o employees na isinasangkot sa anomalya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending