Pamatay pa rin ang suntok ni Pacquiao; handa nang lumaban kay Jessie Vargas

manny pacquiao at jessy vargas

ILANG tulog at gising na lang at masasaksihan na uli ng buong mundo ang mu-ling pakikipagsalpukan sa ring ng Pambansang Kamao. Ayon sa kanyang team ay handang-handa na si Senador Manny Pacquiao na harapin ang kanyang katunggaling si Jessie Vargas.

Puspusan na ang ginagawang pag-eensayo ngayon ni Pacman, nu’ng isang araw ay inabangan siya sa Griffith Park ng mga kababayan nating gustung-gustong makapagpakuha ng retrato sa tabi niya, lagi-la-ging binibigyan ng panahon ng kampeong boksingero ang pagpapahalaga sa kanya.

“Malakas pa rin si Pacman! Makikita mo naman ‘yun sa porma niya, e, sa shadow boxing pa lang na ginagawa niya sa practice, makikita mo nang pamatay talaga ang mga suntok niya!” kuwento ng kaibigan naming si Jonjie na pala-ging nakatutok sa training ng Pambansang Kamao.

Kahit abalang-abala na sa pag-eensayo si Pacman ay kahati pa rin ng kanyang panahon ang Senado.

Nakikibalita siya sa mga nangyayari, inaalam niya ang mga hu-ling balita, talagang pinaninindigan ni Pacman ang kanyang pangako sa ating mga kababayan na anuman ang mangyari ay hindi niya pababayaan ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang senador.

Madiin niyang inuulit-ulit ‘yun sa kanyang mga panayam, kailangan lang niyang magtrabaho para sa kanyang pamilya, pero nasa puso pa rin niya ang sinserong paglilingkod sa ating mga kababayan.
‘Yun si Pacman!

Read more...