Jen nag-ala-Wonder Woman sa Superstar Duets

jennylyn mercado

NGAYONG Sabado, ang kontrobersyal na former commissioner na si Layla D. ang bibisita at makikigulo sa Superstar Duets. Abangan ang production number niya kasama ang mga miyembro ng UPM o Unyon ng Patay na Mang-aawit.

Tutukan din ang performance ng tambalan nina Joross Gamboa at Freddie Mercules, ang madamdaming duet nina Rita Daniela at Luther Vandolph, at ang bonggang performance nina Jerald Napoles at Punk Sinatra.

Kaabang-abang din ang pag-iibang anyo ng ating mga super judges na sina Allan K., Aicelle Santos at Christian Bautista at ang pagta-transform ni Jennylyn Mercado into WonderJen. Ang lahat ng ‘yan sa Halloween special ng nag-iisang biritawanang musical celebrity competition ang Superstar Duets, ngayong Sabado after Magpakailanman sa GMA.

Read more...