Paolo pinalakpakan, tinilian sa Tokyo Int’l filmfest

paolo ballesteros

SUNUD-SUNOD ang post ng mga litrato ni Omar Sortijas, program manager ng Idea First Company sa mga photo nina Direk Jun Lana, Perci Intalan at Paolo Ballesteros na lumakad sa red carpet noong Martes sa 29th Tokyo International Film Festival para sa entry nilang “Die Beautiful.”

Base sa video na ipinost ni Omar ay makikitang napakaraming nagtsi-cheer kay Paolo na agaw-eksena sa kanyang Angelina Jolie make-up transformation with matching gown na gawa ni Rau Uson-Ablaza.

Fan talaga ni Angelina Jolie si Paolo dahil ito ang “mukhang” inirampa niya sa Tokyo at hindi sina Julia Roberts, Miley Cyrus, Beyonce, Lady Gaga at ang Pinay actress na si Iza Calzado na mapapanood sa “Die Beautiful.”

Bagama’t maraming pelikulang kasali sa nasabing filmfest ay ang “Die Beautiful” ang isa sa pinalakpakan nang husto ng mga taong dumalo sa international event.

Samantala, hinuhulaang maiuuwi ni Paolo Ballesteros ang Best Actor trophy sa nasabing filmfest dahil puring-puri siya sa pelikulang “Die Beautiful.”

Read more...