Ariel napa-wow sa pag-welcome ng GMA 7

Ariel Rivera

MARAMING Kapuso ang natuwa sa muling pagbabalik-Kapuso ng singer-actor na si Ariel Rivera sa GMA dahil anila, it’s where he really belongs. Isa si Ariel sa bibida sa bagong afternoon series ng GMA na Hahamakin Ang Lahat na pagbibidahan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Pero ang mas makakatuwa ay ang sinabi ni Ariel na naramdaman niya ang heartwarming welcome sa kanya ng GMA, “I love it. sobra. Parang hindi ako umalis dito for ilang years. I love GMA, the people, especially. Yung pagwelcome nila sa akin ay nakaka-wow! All I can say is that my return here is indeed a blessing,” sey ng asawa ni Gelli de Belen.

Sey pa ni Ariel, refreshing ang muli niyang pagtatrabaho sa Siyete lalo na’t makakatrabaho pa niya ang ilan sa magagaling na senior actors sa local showbiz, kabilang na riyan sina Eula Valdez at Snooky Serna. Makakasama rin sa Hahamakin Ang Lahat bilang kontrabida si Thea Tolentino.

Read more...