HULA who? Nadala na ang isang talent manager sa pangangalap ng used clothing mula sa kanyang alagang mga artista bilang donasyon sa inilunsad na proyekto ni female personality.
Huwag din naman kasing isnabin ang mga napaglumaan nang damit ng kanyang artists, mga branded na’y papasa pa bilang mga bago sa hitsura.
Himutok ng manager, “She got in touch with me asking me to donate some clothes for her charity work. Ako naman, I sent word to all my artists who gave their share of used clothes. Naloka ako nu’ng ipadala nila ‘yon sa house ko, the old clothes came in balikbayan boxes as in ang dami-dami! Sabi ko, naku, matutuwa niyan si _____ (female personality) kasi marami rin siyempre ang makikinabang sa mga damit na ‘yon.”
Siyempre, sinipat-sipat ng manager ang mga nakakahong damit bago ipa-pick up, marami ru’n ang pamilyar sa kanya na ilang beses lang namang naisuot ng kanyang mga alaga. May smart casual, may formal, may rugged, may isinuot sa pictorial, basta sari-sari.
“’Day, naloka na lang ako, one time nakasalubong ko si ____ (pangalan ng female personality), suot-suot niya ‘yung isang idinoneyt ng alaga ko! Akala ko, kahawig lang.
“Pero na-prove ko na pinipili pala niya ‘yung puwede niyang suotin nu’ng tawagan na ‘ko ng isa pang alaga ko, imbiyernang-imbiyerna, ‘I thought you donated my used clothes to charity?!’ Sagot ko, ‘Oo naman!’ Sey niya, ‘Are you sure? How come I saw her (female personality) wearing my signature off-shoulder blouse which I bought in New York?”
Wala raw tuloy mukhang iharap ang manager na muntik na raw kalasan ng alaga.