Gustong maging BF si crush (2)

Sulat mula kay Dianne ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Problema:
1. May kapit bahay kami na kasing edad ko rin na matagal ko na pong crush. Ang kaso napaka-mahiyain niya at may pagka-torpe. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kayang dumating ang pinapangarap ko na siya ang maging first boyfriend ko. Kasi sa edad kong 19 hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Marami naman akong manliligaw ang kaso hindi ko naman sila type.
2. Sa ngayon tyaga-tyaga pa rin na naghihintay sa lalaking crush ko at nagdarasal na sana dumating ang araw na mapansin nya rin ako. Hindi ko naman siya magawang ligawan, lalabas na magiging cheap naman ako kung ako pa ang mauunang magparamdaman. Sir Greenfield ano sa palagay nyo magiging BF ko kaya si crush? October 13, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Dianne ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang binabanggit mong lalaki na crush mo ay isinilang sa zodiac sign na Virgo o kaya’y Aquarius, tiyak ang magaganap sa buwan ding ito ng Oktubre hanggang Nobyembre, liligawan ka rin nya hanggang sa siya na nga ang maging first and last boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing kung kikilos ka at magpaparamdam sa lalaking crush mo, kahit na sa text or sa Facebook lang at nagkataong 7, 16, o kaya’y 25, ang birth date ng lalaking crush mo, tiyak ang magaganap – sa taon ding ito ng 2016 bago sumapit ang pasko, isang wagas at nakakikilig na relasyon ang mabilis na mabubuo.
Huling payo at paalala:
Dianne sa sandaling nanatili kang naghihintay sa panahon ngayong moderno na ang lahat ng bagay, posibleng magka-girlfriend ng ibang babae ang sinasabi mong lalaki crush na crush mo pa naman. Kapag nangyari iyon, malamang ang magiging karanasan mo ay “Naghintay, nagmahal, nasaktan!” Hindi ganon ang dapat, sa halip, ang kailangang mangyari ay ganito: “Nagpapansin, napansin, nagmahal at naging maligaya habang buhay..”, na ayon sa iyong kapalaran ay nakatakdang magaganap sa taon ding ito ng 2016 sa edad mong 19 pataas, isang masaya at nakakikilig na pasko ang iyong mararanasan, dulot ng lalaking crush mo na sa buwan ng Disyembre ay magiging boyfriend mo na rin sa wakas!

Read more...