NASAWI ang 10 katao, kabilang ang alkalde ng isang bayan sa Maguindanao, sa operasyon kontra droga sa Makilala, North Cotabato.
Napatay sa checkpoint si Samsudin Dimaukom, alkalde ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon sa inisyal na ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na daraan ang grupo ni Dimaukom sa checkpoint sa Brgy. Old Bulatukan na may dalang shabu. Papunta umano ito ng Maguindanao at Cotabato.
Nang pahintuin ng mga pulis ang convoy ay nagpaputok na umano ang grupo.
Sinabi ni Chief Insp. Elias Colonia na mga pulis sa pangunguna ni Supt. Culaway ang nasagawa ng checkpoint.
Coordinated aniya sa kanyang tanggapan ang naturang anti-drug operation.
Dagdag ni Colonia, armado ang grupo ng alkalde at nagpaputok ang mga ito sa mga otoridad na gumanti naman ng putok.
Si Dimaukom ay nasa listahan ng mga narco-politicians na hawak ni Pangulong Duterte.
Mayor, 9 pa todas sa drug raid
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...