Xian ibebenta ng ABS-CBN bilang hunk drama actor tulad ni Derek

XIAN LIM

XIAN LIM

O, di ba at tama nga ang noon pa nating naibalita na magkakatrabaho muli sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Marami ang natuwa para sa ex couple though marami rin tayong nababalitaang pamba-bash kay Kim ng ilang fans nila nila Xian Lim dahil kontra sila sa muling pagtatambal ng dalawa.

Sey nga ni Kim, nakapag-move on na ang lahat kaya dapat ding mag-level up na rin ang selosang supporters (or posing as ones lang?).

Sa dinami-rami ng mga bagong artista ngayon, lagi talagang pang-huling baraha ang feeling ng nabibigyan ng break. Dapat alalahanin ng mga fans ng KimXi na hindi masyadong nag-hit ang last pairing nila on TV.

Mabuti na yung naipapareha sila sa iba para makita naman ang tatag ng star status nila.

Sa pagkakaalam namin, ipapa-partner naman si Xian kay Coleen Garcia sa pelikula at balita pang igu-groom ang binata as a sexy hunk actor like Derek Ramsay? Why not coconut, seksi naman talaga si Xian, di ba?

Read more...