Luis Aksidenteng Nabastos Si Jennylyn Sa Star Awards

JENNYLYN MERCADO AT LUIS MANZANO

JENNYLYN MERCADO AT LUIS MANZANO

PATULOY pa ring pinag-uusapan ang isa pang “awkward moment” sa katatapos lang na Star Awards For TV nang tanggapin ni Jennylyn Mercado ang kanyang Best Actress award.

Nakasama kasi niya sa stage si Luis Manzano, with Robi Domingo among others who were hosted the awards night.

Marami ang pumuri sa gesture ni Robi nang alalayan nito si Jen paakyat at pababa ng stage. Although may moment ding umalalay si Luis sa ex-GF, ang sabi ng netizens given na raw ‘yun bilang host ng event.

Marami rin ang nabastusan sa tila pakikipagtsismisan ni Luis sa mga katabing co-hosts habang nagsasalita si Jennylyn, na para bang wala siyang pakialam.

Well, kung winner daw si Luis sa moment ng pagtatanggol at pagtatakip nito sa current GF na si Jessy Mendiola during the Star Magic Ball red carpet interview (remember that English reply ni Jessy sa tanong ng press?), sa Star Awards naman daw ay sumamblay siya.

Hala, ano pa ba ang dapat nilang asahan kapatid na Ervin? Siyempre si current GF ang “in” at “out” na si ex?

Read more...