Hubo’t hubad na ‘preggy photo’ ni Georgina ang sagwa

N

GEORGINA WILSON

GEORGINA WILSON-BURNAND

AG-POSE si Georgina Wilson-Burnand nang hubad sa cover ng isang magazine.

Nude kung nude ang hitad at walang hiya-hiyang ipinakita ang kanyang malaking tiyan dahil buntis siya. Marami ang natuwa sa kanyang pose. Kitang-kita naman kasi na she’s beautiful kahit preggy siya.

But of course, there are those who want to be different. May nambasag kay Georgina and said, “Ang sagwa. di na nahiya sa asawa niya at pamilya ng guy.”

Kinuyog ng lait ang basher. “Saan masagwa?! It was done tastefully. I admire women na napapa-picture ng ganyan Hannah buntis. Inggit ka?”

“Kung ikaw ba family ng asawa, matutuwa ka na nakabuyangyang na ang lahat lahat? Agree ako sa unang post. Buti sana kung ganyan siya kaganda at sexy pag walang make-up. Nakita na natin dito ang totoong anyo niya.”

“Pag Pinoy masagwa? pero kung foreign celebrity gumawa nyan, sasaludo yan sila. Photography is art, depende yan sa tumitingin kung lalagyan nya ng malisya.”

Oo nga naman. The truth is, hindi naman original ang nude cover photo na ‘yon ni Georgina. Long before her, Demi Moore also posed nude for a magazine cover.

So were some of Hollywood celebrities.

Read more...