Makalipas ang apat na taong pagtatago, humarap na sa Sandiganbayan First Division kahapon ang kapwa akusado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa kasong plunder.
Nakaupo sa wheelchair si Fatima Valdez ng dumating sa korte upang harapin ang kaso na may kaugnayan umano sa iregularidad sa paggamit ng P366 milyong confidential and intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Si Valdez ay miyembro ng Board of Directors ng PCSO ng maganap ang kinukuwestyong pondo.
Nabatid na noong Oktobre 11 pa dumating si Valdez sa bansa mula sa New Zealand. Nakipag-ugnayan siya sa National Bureau of Investigation na siyang sumalubong sa kanya sa airport.
Nakaalis na ng bansa si Valdez bago naisampa ng Office of the Ombudsman ang kaso.
Dinala siya sa Makati Medical Center dahil mayroon umano siyang sakit sa puso at kahapon lamang nakapunta sa korte.
Naghain si Valdez ng mosyon upang maitakda kaagad ang arraignment at naghain ng petisyon upang makapagpiyansa.
Noong Hulyo ay nakalabas ng kanyang detention cell sa Veterans Memorial Medical Center si Arroyo matapos na absuweltuhin ng Korte Suprema sa kaso.
30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending