Taki kinawawa ng bashers, gaya-gaya raw kay Maine

MAY promise naman ang baguhang teen star na si Taki na regular nang napapanood sa Eat Bulaga. Si Taki ay talent din ng Triple A at TAPE Inc., na mapapasabak na rin sa aktingan dahil kasama rin siya sa TROPS na pinagbibidahan ng mga EB Baes.

Kaya lang medyo naiintriga ngayon si Taki dahil ayon sa mga bashers, parang ginagaya raw niya sa Maine Mendoza. Sana raw ay magkaroon siya ng sariling identity para hindi nasasabihang copycat lang ni Yaya Dub.

Sey ni Taki sa isang interview, “To be honest, marami pong tao ang nagsasabi niyan. Ate Maine is one of my idols, sa pagdadamit, character niya.

“Kasi grounded pa rin siya kahit sikat na sikat na siya. And she’s still grounded and very friendly. And I love her style of damit, kaya minsan magkaparehas kami, pero I’m not making gaya,” paliwanag ng dalagita.

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing gaya-gaya siya kay Maine? “I just laughed at it kasi it’s clothes at kahit sino naman po siguro, puwedeng magsuot ng ganu’n Siguro, that’s part of my job, that it’s not always good comments, may mga bad feedback.”

Read more...