Encantadia costume mabenta sa Halloween, Trick Or Treat

encantadia sanggres

MASAYANG ibinahagi ni John Arcilla sa kanyang Instagram account ang isang nakakatuwang laruan na kaniyang natagpuan habang nasa Cavite.

Natuwa siya nang makakita ng mga bata na naglalaro ng mga “Pog” kung saan naka-print dito ang mukha ni Hagorn, ang karakter na ginagampanan niya sa fantaseryeng Encantadia sa GMA Telebabad.

“Hagorns are among the Pogs of these kids in Cavite. I remember playing this game when I was a kid and we called it ‘TEX.’

“It was then a rectangular card printed with DC and Marvel characters. Now, Filipino kids are enjoying our own cartoon or fantasy Icons. Amazing,” ang inilagay na caption ni John sa sa kanyang IG post.

In fairness, patok na patok ngayon ang Encantadia sa mga bata, sa katunayan marami kakilalang mga bagets na naghahanda na para sa kanilang Halloween party at Trick Or Treat, and guess what – ang gusto nilang costume ay ang mga napapanood nilang karakter sa Encantadia. Bongga!

May mga kakilala rin kami na talagang nagpatahi pa ng costume ng mga Sang’gre (Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia) para sa kanilang mga anak na kanilang ipasusuot sa Holloween party ng mga bagets.

Hindi lang namin sure kung meron ding magsusuot ng costume ni Imaw!

Read more...