NAKAKABATA at refreshing na makasama sa isang presscon ang mga pambatong child stars ng ABS-CBN.
In fairness, ang bibibo at game na game na sinagot nina Raikko Matteo, Marco Masa, Josh de Guzman, Jana Agoncillo, Ashley Sarmineto at Mitch Naco ang mga tanong sa kanila ng entertainment press sa media conference ng Moose Gear at Moose Girl Apparel kung saan sila ipinakilala bilang mga bagong celebrity endorsers.
Si Marco ay unang nagpakitang-gilas sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Nathaniel, habang si Raikko naman ay bumida noon sa Honesto. Si Josh ay huling napanood sa We Will Survive nina Pokwang at Melai Cantiveros.
Ang bagong Moose Girl endorser naman na si Jana ay nagbida sa Ningning at Dream Dad, habang nagpaiyak naman ng madlang pipol si Ashley sa drama series na Flordeliza nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, at si Mitch naman ay napapanood ngayon sa bagong children show na Team Yey’s sa Yey Channel ng ABS-CBN TV Plus at Sky Cable.
Bago nagsimula ang presscon ay isa-isa munang rumampa sa stage ang anim na bagets suot ang 2016 Christmas Holiday collection ng Moose Gear and Moose Girl, kanya-kanya sila ng projection sa harap ng media na akala mo’y mga contestants sa Asia’s Next Top Model.
Ang bilis-bilis din nilang magpalit ng damit (from sports shirts, long sleeves and denims, to casual chambray dresses) na parang mga professional ramp model. Kaya tuwang-tuwa ang press people na naimbitahan sa nasabing event dahil nakaka-bagets at nakakaalis ng stress silang panoorin.
Ayon sa anim na kids, feel na feel daw talaga nilang rumampa suot ang iba’t ibang style ng 2016 Holiday collection ng MG dahil swak na swak daw ito sa kanilang taste.
Sabi nga ni Marco during the question and answer portion, lahat daw ng ipinasuot sa kanila sa mini-fashion show for the press ay gusto niya dahil bukod sa komportable raw siya ay bagay pa sa kanyang pang-araw-araw na activities, lalo na kapag meron silang taping sa Goin Bulilit at mall show.
At dahil napakabilis nga ng takbo ng panahon ngayon, susulitin daw ng anim na Kapamilya child stars ang pagiging endorsers ng MG. Na totoo naman, at hindi natin namamalayan na mga dalaga at binata na pala sila, tulad na lang ng mga teen endorsers ng MG na sina Nash Aguas, Mika dela Cruz, Makisig Morales, Sharlene San Pedro at Jairus Aquino na nagsimula rin noon sa Goin Bulilit.
Ilan pa sa mga Kapamilya kids na kabilang sa MG family ay sina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Bugoy Carino, Harvey Bautista at Izzy Canillo na mga binatilyo na rin ngayon.
Ayon naman sa mga taga-Moose Gear, sa kabila ng ginagawa nilang pag-adopt sa mga bagong trend and style ngayon sa mundo ng children’s fashion, nananatili pa rin ang kanilang longtime mission – and that is to provide affordable yet trendy fashion piences for local young children.