Horoscope, October 26, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: May malaking gastusing kakaharapin, magtipid. Mas makabubuti sa kabuhayan kung ngayon pa lang paglaanan na ang Paskong darating. Sa nalalapit na Araw ng mga Patay, may kakaibang romansang mararanasan hatid ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — May paglalakbay na iaalok ang isang kabigan. Ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala ng pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik, mainit at masarap na romansa ang naghihintay. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ang proyektong binabalak ay matutupad kung ito ay may kaugnayan sa kapaskuhan at sa nalalapit na Undas. Ngayon pa lang ilista na ang mga gawaing puwedeng mapagkakakitaan sa darating na kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Red at Green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kung gumaganda ang kinikita, mas mainam kung ngayon pa lang paghahandaan mo na ang iyong pagtanda. Mahirap umasa sa mga anak. Sa pag-ibig, habang malakas pa kayo ng iyong kasuyo iplano na ang retirement age. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Magsimula ka ng sariling negosyo sa maliit na puhunan. Walang mangyayari sa pamamasukan. Sa pag-ibig, pagsabihan ang kasuyong tatamad-tamad, i-encourage siyang mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Manu-Diayana-Om.” Gray at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag patulan ang isang kasamahang atribida, sisirain lang nya ang araw mo, tuloy mo lang ang mga dati mong ginagawa. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, siya ang higit na uunawa at sisimpatsa sa iyo. Mapalad ng 1, 11, 16, 25, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Kedemel-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ire-charge ang enerhiya upang maiwasan ang karamdaman. Sa mga lugar na malapit sa nature isama ang kasuyo kayo ay mamasyal. Kapag naging masarap na ang iyong pakiramdam, may darating na dagdag pang suwerte at pagkakakitaan. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Iwasang mawili sa pagkain at puro pagpe-Facebook na lang ang pinagkakaabalahan, makakasama iyan sa iyong kalusugan. Sa gawaing may kaugnayan sa pagpapaganda at pagpapalakas ng katawan mas maraming suwerte at magagandang kapalarang mararansan. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Blue at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ang mga problemang dumarating ay lilipas din. Ngayon pa lang paalalahanan na ang sarili na hindi dapat ubusin ang pera para sa magarbong handaan sa iyong nalalapit na kaarawan. Alalahanin mong malapit na ang Pasko na siyang dapat na paglaanan ng budget. Mapalad ang 3, 18, 24, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa darating na kapaskuhan, silver bells ang magandang isabit sa harap ng bahay. Sa ganyang pangdisplay, susuwertehin ka sa salapi at sa love life. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yaksha-Raga-Kashta-Om.” Bukod sa silver mapalad din ang gold.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag malungkot habang hindi pa sumasapit ang Pasko. Sa Paskong darating magiging happy din ang iyong love life. Sa pinansyal, bukod sa masayang pag-ibig malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 7, 18, 27, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Siddhi-Baguna-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan. Sa bandang huli kung sino pa ang tinulungan mo mapapasama ka pa sa kanya. Ganoon talaga may mga taong likas na masama ang ugali! Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan at mahalin ng lubos – ang kasuyo mong Gemini. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salve-Om.” Blue at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Gumising nang maaga at isulat sa malinis na notebook ang mga paraan upang madagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa minamahal ang kahalagahan ng pagnenegosyo ngayong nalalapit na ang kapaskuhan. Mapalad ang 6, 15, 27, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Om.” White at lilac ang buenas

Read more...