Kim na-challenge kay Gerald kaya pumayag sa reunion serye

kim chiu at gerald anderson1

WITH seeming hesitation ay tinanggap ni Kim Chiu ang teleserye offer ng Dreamscape Entertainment TV na kasama si Gerald Anderson, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

“Tao lang naman ako siyempre. Pero sabi nga ni Mr. M (Johnny Manahan), ‘Bakit hindi mo tanggapin ‘yung challenge? ‘Isipin mo mas challenge ito sa career mo since hindi ka na teenager, hindi ka na tweetums, hindi ka na pa-cute,’” pahayag ni Kim.

“Tapos ang tagal na rin naming hindi nagkaka-work, mga six o seven years (na). Tapos ang dami na rin nangyari sa career lives namin and siyempre sa personal lives naming,” dagdag pa ng aktres.

For Kim, “This is something new na mai-offer ko sa mga taong sumusuporta talaga sa akin.”

When asked what she missed about Gerald, Kim said, “Hindi siguro miss, look forward siguro. Siyempre nag-mature na kami, naging wiser, nag-grow na rin kami. So, look forward siguro, hindi miss.”

For sure ay maraming KimeRald fans ang natuwa sa desisyon ng dalawa na finally ay magsama na sa isang teleserye. Matagal-tagal na rin namang naghiwalay na ang dalawa ng landas.

Anyway, tatakbo ang story tungkol sa buhay ng triathletes, something that’s new on television. Kaabang-abang kung paano gagalaw sina Kim at Gerald bilang love team uli sa telebisyon.

Read more...