NAKATIKIM ng kantiyaw si Luis Manzano sa ilang followers niya sa Twitter kaugnay ng katatapos lang na Star Awards for TV.
Super-saya raw kasi ni Luis dahil muli niyang nakita ang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Pareho silang nasa stage nang magbigay ng speech ang Kapuso Ultimate Star matapos manalong Best Actress para sa kanyang pagganap sa GMA Telebabad series na My Faithful Husband.
Kitang-kita rin daw na medyo kinilig si Luis nang iabot sa kanya ni Jen ang microphone na hawak hawak niya after the speech. Nagtilian naman ang audience sa Novotel nang magharap ang ex-lovers na parang eksena sa teleserye o pelikula.
Deny naman agad ang TV host-actor sa pangangantiyaw ng kanyang social media followers. Ang tatlong awards na napanalunan niya sa Star Awards at isa pang special award ang dahilan ng pagiging masaya niya.
May Jessy Mendiola na nga naman si Luis habang may Dennis Trillo na si Jen kaya tapos na ang isyu sa ex-lovers!
Pero sigurado kami, kahit hindi niya aminin, na-excite rin si Luis nang muling magkrus ang landas nila ni Jen. Siyempre, kahit paano ay may pinagsamahan naman sila kaya sure kaming affected pa rin siya sa ex-girlfriend.