TRENDING ang beauty ni Liza Soberano during the Star Magic Ball. Kinabog niya ang lahat dahil sa kanyang kagandahang umangat sa iba.
Walang nagmaasim kay Liza, lahat ay nabighani sa kanyang ethereal beauty. Even Vicki Belo congratulated Liza on her Twitter account.
“Congratulations to our #Belo baby @lizasoberano for winning best dressed at the #starmagicball2016 . You look lovely in that #MichaelCinco gown,” say ni Dra. Belo.
But there is one fan who can’t seem to accept Liza’s honor who said, “Wala nmn na duda dhil mas maganda pa sya sa damit nya at michaelcinco pa gumawa pero bkt prang katulad ng damit nya ung sinuot ni Marian iba lang kulay at style same ng tela.”
Nagmaganda pa talaga at nang-intriga pa ang basher na ito.
Kung iyan pala ang concern mo, bakit hindi mo i-address ang tanong mo kay Michael Cinco mismo nang masagot ang iyong katanungan.
And please, don’t associate Liza kay Marian dahil magkaiba sila ng beauty, ‘no!
Halatang maka-Marian Something ang nang-intriga. Pilit na pilit ang attempt niya na paangatin si Marian at palabasing nanggaya lang ng suot na gown si Liza.
Excuse me lang, ha. Any which way we look at Liza ay ibang-iba ang kanyang aura. She exudes class ang sophistication, something that Marian is bereft of.