China, isang magandang bansa | Bandera

China, isang magandang bansa

Ramon Tulfo - October 25, 2016 - 12:10 AM

ANG kauna-unahan kong pagbisita sa China ay very educational and memorable.

Tinuruan kami sa aking henerasyon—ako’y isang “baby boomer”—na ang Communist China ay masamang bansa at ang mga tao rito ay mga bastos gaya ng mga Intsik sa Hong Kong.

Kahit na ako’y isang journalist at up to date sa current events, ang akala ko ay backward ang China at nagkukunwaring First World.

Nagulantang ako nang ako’y maging miyembro ng delegasyon ni Pangulong Digong.

Ang tumambad sa akin ay Beijing na kasing progresibo—o mas advanced kesa—ng ibang bansa sa West gaya ng New York, Paris at London.

Nagtataasang modern na mga gusali at mga makalumang gusali ang makikita sa buong Beijing.

Ang isang first-timer sa Beijing ay mag-aakala na ito’y isang siyudad sa Europa kung wala lang mga Chinese characters o sulat Intsik sa paligid.

Ang mga eating places gaya ng McDonald’s at Starbucks ay nagkalat sa siyudad.

Mga shops na nagtitinda ng signature brands gaya ng Prada at Chanel ay marami sa Beijing.
Big-name hotels gaya ng Hyatt, Peninsula at Shangrila ay makikita sa maraming lugar.

I-multiply mo ang business at shopping districts ng Hong Kong at yan ay Beijing.
Ang mga highways sa Beijing at sa ibang lugar ay tatlo ang lanes sa isang direction.

Nagsimula ang pag-unlad ng China patungo sa First World status noong dekada ’80 nang binuksan ni Deng Xiao Peng ang bansa sa pagpasok ng mga banyaga.

Nang si Pangulong Digong at ang kanyang entourage na government officials at business tycoons ay nakikipag-usap sa kanilang Chinese counterparts, isang grupo—si Ramon Lee, Roberto Go at ang inyong lingkod—ay nakikipag-usap sa mga Chinese business leaders in our personal capacity.

Matagal nang contact nina Lee at Go ang mga kausap namin, noong pang panahon ni Pangulong Noynoy pero umatras sila dahil sa di pagkakaunawaan ng Pilipinas at ng kanilang bansa.

“Bakit natin pag-aawayan ang isang maliit na mabatong malinggit na isla sa napakalawak na dagat?” sabi sa akin ng isang host sa pamamagitan ng interpreter.

Kahit na sina Lee at Go ay marunong ng Mandarin, ang national langugage ng China, meron pa rin kaming interpreter na si Robert Loh, na nagtapos sa La Salle sa Maynila.

“Magkapatid tayo. Pagmasdan mo ang mukha ko at mukha mo. Pareho tayo ng mata, pareho ng ilong at parang magkasingkulay tayo,” sabi ng host.

Ang aming host sa unang araw ay isa sa ilan lamang na gustong magpabanggit ng kanilang mga pangalan.

Sa ngayon ay gusto nilang maging anonymous hangga’t hindi pa nabalik ang diplomatic at economic relations ng Philippines at China.

Isang host ay gustong magtayo ng mga pabrika ng bakal sa bansa at gumawa ng isang industrial city sa Mindanao. Naghahanap siya ng 10,000 hectares upang pagtayuan ng industrial city.

Ang pangalawang host ay gustong magtayo ng low-cost housing para sa mga sundalo, pulis at ibang government employees.

Ang pangatlong host ay gustong bumili ng mga lupain na malapit sa dagat upang gawing mga fishponds.

Humahanap din siya ng malawak na mga lupain.

Ang pang-apat na host ay gustong magpasok ng mga Pinoy na caregivers, English teachers at household helpers.

Tinanong ko kung ilan at sabi niya as “many as you can bring in,” sabi niya sa pamamagitan ng interpreter.

Milyon-milyong mamamayan sa China ay elderly at kailangan ng aruga.

Kailangan ng China ang mga English teachers upang magturo sa kanilang mga batang henerasyon upang makapaglibot sila sa mundo.
Alam naman natin na English ang naiintidihan sa malaking bahagi ng mundo.
Sinabi ko kanina na very memorable ang aking pagbisita sa China.

Di ko makakalimutan ang mga walang katapusang paghain ng mga exotic Chinese dishes—kasama na rito ang isang buong tupa na nilitson—at mou tai, isang local wine na matapang sa espirito.

At ang walang katapusang toasts: “Para kay President Duterte,” “sa ating pagkakaibigan,” “sa ating kapatiran,” “sa inyong Miss Universe.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palagi kaming lasing nina Ramon Lee at Bobby Go pag-uwi sa aming hotel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending