Ayon sa ulat, itatalaga si Aguilar bilang bagong chair ng komisyon sa Oktubre 30, habang si Almario ay mananatiling komisyuner ng KWF.
Ang pagtatalaga kay Aguilar sa pwesto ay bunsod na rin sa courtesy resignation na inihain ni Almario, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte na pagbitiwin ang lahat ng presidential appointees ng nakaraang administrasyon.
Kinausap diumano si Almario noong isang linggo sa Malacanang para sabihin na papalitan na siya bilang chair ng komisyon ni Aguilar. Gayunman, inirekomenda ni Almario si Dr. Purificacion Delima, isnag linguist mula sa UP Baguio, bilang kanyang kapalit.
Sa sandaling ma-appoint si Aguilar bilang chair ng KWF, posibleng maging nominado at mahalal ito bilang chair ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Magugunitang umugong ang balitang gagawin si Aguilar ni Duterte na chair ng NCCA ngunit umani ito ng pagbatikos, hanggang sa hindi na ito natuloy pa.