Pinangungunahan ngayon ni Colanggo ang Carcel Side ng Maximum Security Compound ng NBP na may 7,000 miyembro mula sa iba’t ibang gang sa Visayas at Mindanao.
Isinasangkot si Colanggo sa iligal na droga sa loob ng NBP at pinakayumamang preso habang nakakulong.
Idinahilan ni Colanggo ang kanyang kalusugan para siya payagang makapagpiyansa at makapagpagamot sa labas ng NBP.
“We find no merit in accused-appelant’s [Colanggo] petition for bail … Considering that bail pending appeal is only discretionary when the applicant is convicted of an offense not punishable by death, reclusion perpetua or life imprisonment, accused-appellant is not eligible to be granted bail as a matter of course,” sabi ng CA.
Nagawa pa ni Colanggo na makapagrekord ng music video habang nasa NBP.