Korean actor Park Bo Gum sinugod, pinagkaguluhan ng Pinoy fans sa Cebu

 

PINAGKAGULUHAN ng mga Pinoy fans ang sikat na Korean actor na si Park Bo Gum, na nakilala sa hit period drama na Love In the Moonlight.

Talagang nagsuguran ang nga tagahanga ni Park Bo nang makita nila ang binata sa Mactan Cebu International Airport nitong nakaraang Biyernes mula sa South Korea.

Parang eksena sa pelikula ang pagkakagulo ng mga fans sa labas ng terminal nang magtilian at maglapitan ang mga ito sa Korean actor habang papunta ito sa kanyang sasakyan.

Nabatid na ang pagpunta at pagbabakasyon ni Park Bo Gum sa Cebu ay regalo sa kanya ng kanyang management dahil sa pagiging number one ng kanyang serye sa Korea.

Read more...