Jak Roberto bibida sa AHA Holloween special

jak roberto

NGAYONG Linggo (October 23), isa na namang “mini-movie” na punong-puno ng kilabot, saya, at kaalaman ang ihahatid ng AHA: Horror Fest.

Tampok sina Kapuso stars Arianne Bautista at Jak Roberto sa pangalawang Halloween special ng AHA! na “Maria, Maria”.

Kuwento ito ng magbabarkada na naghahanap ng isang kakaibang sem break adventure. Sa isang sementeryo, makakadiskubre sila ng isang kahindik-hindik na lihim na akala nila’y matagal nang nailibing sa limot.

Sa pamamagitan ng isang makapanindig-balahibong laro, makakausap nila ang sinasabing ligaw na kaluluwa ni Maria na tila handang sagutin ang lahat ng kanilang mga tanong.

Pero dapat nga ba nilang paniwalaan ang kanilang nakikita, o pinaglalaruan lamang sila ng siyensiya?
Samu’t saring saya, kaalaman at katatakutan na naman ang hatid AHA: Horror Fest kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 a.m. sa GMA 7.

Read more...