Female star asang-asang pakakasalan ng dyowang aktor

BLIND ITEM  FEMALE 0318

MARAMING taga-showbiz ang naniniwala na umaasa lang sa wala ngayon ang isang magandang female personality. May kuwento kasing umiikot na naghahanda na ang kanyang boyfriend na aktor para sa kanilang pagpapakasal.

Hindi raw naman agad-agad ang kanilang plano, pero ang mahalaga ay meron nang maaasahan ang magandang aktres, ‘yun ang matin-ding pinagdududahan ng mga taga-showbiz na nakakakilala sa male personality.

Kuwento ng isang source, “Asa pa siya?

Medyo i-review muna sana ng girl ang nakaraang mga pakiki-pagrelasyon ng boyfriend niya. Du’n niya malalaman na wala sa bokabularyo ng lalaking ‘yun ang kasalan.

“Imagine, ilan na ba silang naging girlfriend ni ____ (pangalan ng guwapong personalidad), may sinabi man lang siya nu’n na type niyang pakasalan ang mga GF niya?

“Ayaw na ayaw niya ang tanong na ‘yun, palagi siyang umiiwas kapag kasalan na ang usapan, kasi nga, wala naman talaga sa utak niya ang pagpapakasal!” madiing komento ng
aming impormante.

Makasarili raw kasi ang guwapong aktor, masyadong mapangarap, sa punto ng kanyang career ngayon ay hindi pa nangangalahati ang pagkatupad ng mga gusto niyang mangyari sa buhay niya.

“Nakakaawa naman ang girl na umaasang one day, e, pakakasalan nga siya ng boyfriend niya. Hanggang sa puro plano lang ‘yun, pampakilig lang, pero hindi mangyayari. Tawa nga nang tawa ang mga nakakakilala sa kanya, e, dahil hanggang ngayon, walang-wala pa rin sa listahan ng mga priorities niya ang pagpapakasal.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, puwede n’yo kayang ihanap ng lalaking may paninindigan sa merkado ang girl na itey?” pagtatapos ng aming source.

Read more...