Saan yayaman, sa pag-aabroad ba o sa pagnenegosyo?

Sulat mula kay Consorsia ng San Pedro, Toril, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang dating OFW at halos 10 years din ako sa abroad. Sa ngayon ay balak ko nang huminto sa pag-aabroad dahil may konting ipon na akong puhunan. Iniisip kong magnegosyo na lang upang hindi na ako malayo sa a-king pamilya. Ang problema ayaw po akong paalisin ng aking amo kasi sanay na daw sa akin ang mga bata na inaalagaan ko at isa pa gusto na rin ako ng mga bata dahil sa akin sila lumaki. Saan po ba ako higit na yayaman o aasenso, sa pagnenegosyo po ba o ituloy ko na lang ang pamamasukan bilang D.H. (domestic helper) sa aking mga amo na nangako namang tataasana ang aking sweldo wag lang daw akong umalis. October 14, 1970 ang birthday ko.
Umaasa,
Consorsia ng Toril, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa guhit ng iyong palad kapwa naman nagtataglay ng magandang Travel Line at Business Line (Illustration 1-1 arrow 1. 2-2 arrow 2.) sa inyong palad. Ibig sabihin, kahit ano pa ang gawin mo at maging desisyon mo, siguradong 100% tama at tumpak ang iyong magiging pasya. Kung saan, ang lahat ng daan, pag-aabroad o pagnenegosyo man ay patungo sa pag-unlad at pag-asenso ng kabuhayan.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Ace of Diamonds at Five of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mula sa araw na ito hanggang sa susunod pang limang taon tuloy-tuloy na gaganda ang iyong career, lalo na sa pag-aabroad. At kung pagnenegosyo naman agad-agad ang iyong pipiliin, ganon din ang magaganap, paganda rin ng paganda ang iyong career. Pero dahil umunlad ka sa tulong ng iyong mga amo, kung ayaw ka pa nilang paa-lisin at wala ka namang problema sa kanila, mas mainam na ring dahil sa utang na loob ay magpatuloy ka pa rin sa abroad tutal sabi mo naman lalo pang tataasan at dadagdagan pa ang iyong suweldo wag mo lang iwanan ang iyong mga amo.
Itutuloy…

Read more...