Rachelle Ann umayaw sa ‘Divas Live’ para makasali sa Broadway

divas

SPEAKING of “Divas Live In Manila” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nob. 11, natanong sa presscon kung bakit biglang nawala si Rachelle Ann Go sa line-up gayung kasama naman siya sa bloggers presscon noong Abril 27.

Sobrang excited pa nga ang International singer dahil makakatrabaho niya ang apat na young divas ng music industry na mga kapatid niya sa Cornerstone.

Hirit ni Angeline, “Eh ganu’n po siguro talaga, mas mayaman po siya sa amin. Nasa London siya. Nu’ng unang presscon natin, lima pa kami. Honestly, nagulat din po ako nu’ng na-confirm talaga na hindi na po magiging parte si Rachelle sa ‘Divas Live In Manila’, pero naiintindihan naman namin. Siyempre, mas kailangan niyang mag-stay doon sa London.”

“Actually, ‘yung isa sa mga reason din is from London, pupunta po siya ng New York for Broadway and then, ‘yung schedule ng rehearsals and even ng concert day, hindi na po nagtugma sa schedule niya,” paliwanag ni Yeng.

“Siyempre, bilang mga kapatid niya sa industriya and also, same kami ng management, big break din for her career ‘yun, and we know na gustung-gusto niya ‘yun, passion niya ‘yun. Okay lang naman po talaga na magparaya,” dagdag pa ng singer.

Say naman ni Kyla, “We understand her kasi kung sa amin man ‘yun, kung may ganu’ng klaseng opportunity, siyempre, international gig, ‘yun, di ba? How can we resist it? So, we understand her and we support her.”

Samantala, tinanong naman si Angeline kung kumusta ang lovelife niya dahil sa kanilang apat nina Yeng, Kyla at KZ Tandingan ay siya lang ang walang karelasyon ngayon.

“Pa-happy naman po,” kaswal na sagot ng dalaga. Dagdag niya, “Magiging masaya pa lang po ako ulit.”
Ang ibig sabihin pala ng dalagang singer ay gusto niyang magkaroon ng sapat na panahon para sa sarili niya kaya niya nabanggit na “pa-happy” palang siya.

Special guests naman sa “Divas Live In Manila” sina K Brosas, Jaya at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ito ay sa produksyon ng Cornerstone Concerts and Star Events with musical director Ria Villena Osorio at sa stage direction ni Paul Basinillo.

Mabibili ang tickets sa Tickenet, 911-5555 at ang kanilang major sponsors ay ang Belo Medical Group, Silka and AOR Studios; minor sponsors ang Converse, Parisian Shoes & Bags, Felicidad Mansion, Taverna Catering with media partners ASAP, MYX, MOR 101.9 For Life, Magic 89.9, Manila Concerts, Inquirer.Net and Onemusicph.

Read more...