Glaiza may sorpresa sa mga batang may cancer

glaiza de castro

NGAYONG gabi na magaganap ang fundraising concert ni Glaiza de Castro sa UP Cine Adarna (Diliman), 6 p.m. para sa mga batang naka-confine sa PGH Pediatric Cancer Ward.

Yes, kahit na nga napapanood natin siyang nagkokontrabida sa mga serye ng GMA, ang latest nga ay itong fantaseryeng Encantadia, in real life naman, isang mabuti at matulunging tao si Glaiza. Maraming tinutulungang charity institutions ang aktres, kabilang na nga rito ang mga batang may cancer at mga special children.

Bukod sa mga inihandang production numbers ni Glaiza, magkakaroon din ng games at pa-meet and greet ang dalaga sa lahat ng mga manonood ng concert. Kaya kung gusto n’yong mag-enjoy lang and at the same time ay makatulong, watch na kayo ng “GDC: A Charity Showcase & Fanmeet”. Para sa tickets, please contact Karen Manabat, 0916-6279283.

Bukas, basahin sa Inquirer BANDERA ang kabuuan ng panayam kay Glaiza de Castro kung saan sinagot niya ang mga tanong tungkol sa lovelife, personal life at ang pagiging kontrabida sa Encantadia bilang si Sang’gre Pirena.

Read more...