lSANG pagbati sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay nagtatrabaho bilang call center agent sa Makati. May 2 taon na rin na ako sa aking trabaho. Mahirap din sa aking trabaho dahil shifting kami.
Mahirap ang schedule lalo na kung panggabi.
Two weeks ago ay na- confine ako at ang findings ng doctor ay dahil sa stress. Nakuha ko raw po ito sa sobrang pagod sa trabaho dahilan sa panghihina ng katawan.
Pinayuhan niya ako na magpahinga muna at binigyan na rin ng mga gamot at supplement na vitamin B complex na palagi ko raw inumin pampalakas ng katawan dahil madalas sa sobrang pagod ay parang walang pakiramdam ang aking mga kamay.
Nag file na rin ako ng claim sa SSS pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha. May nakapagsabi sa akin na subukan ko raw na mag file ng claim sa ECC o sa Employees Compensation Commission at ito raw ay isang state insurance
Richard de Castro
184 Buendia St..
Tunasan
Muntinlupa City
REPLY: Para sa iyong katanungan Ginoong de Castro, tama na maaaring makakuha ng benepisyo mula sa ECC kung ang dahilan ng pagkakasakit , pinsala o maging kamatayan ay work related o may kinalaman sa trabaho.
Ang stress ay isang compensable disease para manghina ang resistensiya ng katawan subalit kinakailangang sumaila-lim sa medical evaluation ang isang pasyente kung saan nagmula ang kanyang pagkakasakit.
May iba’t ibang dahilan din na maaaring panggalingan ng sakit gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at iba pa.
May 20 working days processing time para malaman ang ginawang pagsusuri ng mga doktor.
Ang mga manggagawa ay maaaring mag claim kung ito ay konektado sa trabaho ang pagkakasakit, pinsala at kamatayan.
Ang naghahabol o ang kanyang kinatawan ay maaaring mag-file ng isang naangkop na claim sa GSIS, sa kaso ng mga pampublikong sektor na naghahabol o sa SSS sa kaso ng mga pribadong sektor
Ang claim ay dapat i- file sa loob ng 3 taon.
Sa kaso ng pagkakasakit, simula sa araw na ang manggagawa ay nawalan ng kakayahan upang kumita.
Atty. Jonathan VillaSotto
Deputy Director
Employees Compensation Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.