Ingat sa halloween costume

Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko laban sa mga Halloween costume na mayroon umanong mga toxic chemicals at maaaring makasama sa kalusugan lalo na ng mga bata.
     “As the Halloween fad catches on in urban neighborhoods, party and event goers, especially young children, need to exercise precaution in choosing their costumes and toys as many of them have not passed through the required verification procedures by the health authorities,” ani Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste.
     Sinabi ni Dizon na dapat ikuha ng permiso sa gobyerno ang mga laruan bago ito ibenta subalit marami umano sa mga ito ang hindi dumaan sa pagsusuri.
      “Companies are required to apply for license to operate and product notification before placing toys and childcare articles (TCCA) in the market.  Unfortunately, many Halloween toys being sold in discount shops where many consumers go have no valid TCCA product notification,” ani Dizon.
     Kaya ang mga magulang na umano ang dapat na maging mapagmatyag sa mga laruan na kanilang binibili.
     Ganito rin ang payo ni Dr. Erle Castillo, consultant ng UP-Philippine General Hospital on Family Medicine and UP-College of Medicine on Emergency Medicine.
     “As not all toys have undergone and passed safety tests, parents should always be on the lookout for hidden dangers in some toys, such as choking and chemical hazards, that can jeopardize the health and well-being of their children,” ani Castillo.
     Mayroon umanong mga laruan at costume na may kaugnayan sa Halloween ang ginamitan ng pintura na may lead, may mga maliliit na bahagi na maaaring malunok, madaling kapitan ng apoy, at mayroong mga matutulis na bahagi na maaaring makasakit.
30

Read more...