MATAPOS ang kanyang state visit sa Brunei at China, nakatakda muling tumulak papuntang Japan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang official visit mula Oktubre 25 hanggang Oktubre 27.
Sa isang press conference, sinabi ni Communications Assistant Secretary for Operations and Special Concerns Marie Banaag na nakatakdang makipagpulong si Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
“The President is also set to make a State Call on His Majesty Emperor Akihito,” sabi ni Banaag.
Nakatakdang dumating si Duterte kagabi mula sa kanyang pagbisita sa China.
“The Official Visit is seen to further bolster the strong strategic partnership between the Philippines and Japan. A bold scope of bilateral discussions between the President and Japanese leaders will include security, economic and defense cooperation, infrastructure development and development projects in Mindanao, among others,” dagdag ni Banaag.
Bukod sa Amerika, ang Japan ang isa sa mga pinakamalaking trading partner ng Pilipinas bago ang pag-upo ni Duterte.
Ang Pilipinas din ang isa sa mga malalaking benipisyaryo ng Official Development Assistance (ODA) mula sa Japan.
Sinabi pa ni Banaag na nakatakdang makipagpulong din si Duterte sa tinatayang 400,000 Filipino community sa Japan.
Nauna nang inihayag ni Duterte sa kanyang pagbisita sa China ang pakikipagkalas sa US, na kaalyado naman ng Japan.