WE CAN see where Robin Padilla was coming when in his latest interview ay napikon siya sa mga bashers niya.
Lumabas sa blog ni Mocha Uson ang interview ni Robin about cyberbullying. Wala naman siyang sinabing masama about president Rodrigo Duterte pero binuweltahan siya ng mga kakampi ng pangulo.
“Ang dami sinasabi ng Robin Padilla na yan na kesyo mag kaisa o para sa pagbabago daw pero sa ugali nya pinapakita sa mga followers nya na bina banned o idelete ang comments dahil hindi makatanggap ng freedom of expression ng ordinaryong tao…imbes na tanggapin nya opinion ng tao…nakikita nya ito as cyberbullying agad.
“Wag ka na lang robin mag social media kung hindi ka open minded sa criticism. Yung iba hindi nakikipag talinuhan sayo, nag lalabas lang sila ng sarili nilang opinion o idea para i share in public kagaya mo rin!” one basher said.
“Mr, Padilla, bkt nung tinawag ni Ms. Agot, si PD30 ng *PSYCOPATH* freedom of expression. But pag Kami na…cyber bullying na? Mga public figure kau you should be ready for the impact of your words.
Anu un kayo lang pwde magsalita ng bastos? Call me what you want but I stand for Ms. Mocha, as long she stand for my PD30,” say ng isa pa.
Exasperated, Robin said, “Yan ang hirap sa mga kasama sa Duterte Team, pati kasama ninyo binabanatan ninyo. Tsk, tsk.
“Pakibasa mabuti at panoorin niyo mabuti ang sinabi ko bago niyo ako banatan.”
Later, he challenged maka-Duterte na puntahan siya at personal siyang batikusin.
“Kung talagang matapang kayo dito niyo ako sitahin at tawaging gago!!! Wala na kayo sa lugar!!! Mag aantay ako!!!”
Maging si Mocha mismo ay nag-apologize kay Robin.
“Ako po ay humihingi ng tawad sa ating kapatid na si Robin Padilla sa last post ko kung ito man ay nagdulot ng maling impresyon. Ang nais ko lamang po ay ang ipakita ang mga mensahe ng mga artista upang matigil ang cyberbullying at kunin ang opinyon ng ating mga ka-DDS.
“Ang pagtatanong sa opinyon ng mga artista ukol sa cyberbullying ay ginawa ng ABS-CBN matapos ang pangbabash po umano kay Agot Isidro kung kaya’t ito ay nasabing pagsuporta sa kanya sa isyu ng cyberbullying. Gayunpaman, ikinalulungkot ko po kung nagkaroon man ng hindi pagkakaunawaan at paumanhin muli kay Robin Padilla.”
Wala sa lugar itong mga namba-bash kay Robin. Walang sinabing foul si Robin para batikusin nila. Sana ay ‘wag nilang ipakita ang meaning ng salitang IDIOT!!!