Diana Zubiri balik-Encantadia bilang Lilasari

diana zubiri

BALIK-ENCANTADIA nga ang dating sexy actress na si Diana Zubiri na gumaganap ngayong Lilasari sa telefantasya ng GMA 7.

Kung matatandaan si Diana ang gumanap na Sang’gre Danaya sa unang TV version nito noong 2005 na binibigyang-buhay ngayon ni Sanya Lopez.

Nitong nakaraang Martes, ginulat ni Diana ang mga manonood nang tanggalin na ang kanyang maskara sa serye. Natuwa rin ang viewers nang malaman nilang bumalik sa Encantadia ang aktres dahil magsisilbing reunion project din nila ito ni Sunshine Dizon na gumanap naman noon bilang Sang’gre Pirena. Siya na ngayon si Adhara sa bagong version.

Sey ni Danaya, talagang pinaghandaan niya ang kanyang pagbabalik sa Encantadia, “‘Yung preparation ko is more on sa physical. Una siyempre kailangan ko magpapayat. Nakita mo naman ang mga bida at mga kontrabida sa Encantadia, ang papayat nila. Tsaka para sumakto ang costume.

“Kailangan kong bumalik sa dati kong figure dahil lalabas na naman ako sa TV. At kailangan kong maging fit so nag-try din akong bumalik sa arnis and sword lessons.

“Mahirap ang mga fight scenes sa Enca noon kaya siguradong triple na ‘yun ngayon,” aniya pa sabay pasalamat sa mga bossing ng GMA dahil binigyan siya uli ng pagkakataon para maging bahagi ng bagong version ng Encantadia,” kuwento pa ni Diana na matagal ding hindi napanood sa mga serye.

At makalipas nga ang 11 taon, looking forward siya sa mga magiging eksena niya kasama si Sunshine at ang bagong apat na Sang’gre na ginagampanan nina Sanya, Gabbi Garcia, Glaiza de Castro at Kylie Padilla.

“Sobrang excited din ako. Siyempre gusto ko parin maging part nito, ayokong mawala kumbaga, kasi ang Encantadia parang magkakasama kaming apat (Sunshine, Iza Calzado at Karylle) before tapos biglang may bago siyempre ayaw mong mawala doon. Malaking part ng buhay ko before ang Encantadia,” aniya pa.

Lilasari or Ang Sinukuan is a fairy whose beauty can turn anyone catatonic. She was taken by Cassiopea (Solenn Heussaff) as a baby to keep her safe from those who fear her power. Cassiopea created a special mask that would hide her face – to keep the ones who care for the accursed fairy safe.

Pero nang lumaki na ang bata, naging uhaw ito sa kapangyarihan at naging obsessed sa pag-agaw sa trono ni Cassiopea.

Nakulong siya matapos pagtangkaang patayin ang unang reyna ng mga engkantada. Nang mgakaroon ng pagkakataon, nakalabas siya ng kulungan at naging kakampi ni Adhara.

Alamin kung ano ang mga susunod na pasabog ni Diana sa Encantadia sa patuloy na pag-init ng kuwento ng serye gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Read more...