Juday sa basher: Oo mataba pa rin ako, pero sure akong mas malakas ako sa ‘yo!

judy ann santos

PURSIGIDO talaga si Judy Ann Santos na bumalik ang dating pigura. Sa posts niya sa kanyang Instagram account, ipinakita niya ang pagpapapawis na ginagawa sa workouts nang sa gayon ay matanggal na ang mga taba niya.

May patama rin si Juday sa bashers at haters niya sa caption na inilagay niya sa isang photo, “Oo mataba pa rin ako (uunahan kita!) pero sure akong mas malakas ako sayo #batobatosalangitangtamaancareko.”

Sinundan niya ito ng, “Yezzz…Today I conquer my fats…and find my waist, and countour, and make durog some cellulites, and haaaayyy! Aabot din ako sa finish line. Pasasaan ba’t mauumay ka rin sa kin fats!”

Read more...