Pagbili ng sasakyan komplikado

MUKHANG wala namang magiging epekto sa mga maralita ang planong taasan ang buwis na ipinapataw sa mga bagong sasakyan.

Sa pinag-aaralang panukala, ang brand new na sasakyan na ang halaga ay P600,000 pababa ay papatawan ng limang porsyentong excise tax mula sa kasalukuyang dalawang porsyento.

Ang mahigit sa P600,000 hanggang P1.1 milyon ang halaga ay papatawan ng 20 porsyentong buwis (P120,000 hanggang P220,000). Ang mahigit sa P1.1 milyon hanggang 2.1 milyon ay 40 porsyento (hanggang P840,000). Ang bibili ng mahigit sa P2.1 milyon ang halaga ay papasan ng 60 porsyentong buwis.

Baka kahit ‘yung ipapataw na buwis ay hindi kayanin ng ordinaryong kawani.

Marami sa mga ordinaryong kawani ang hindi naman nagbabalak na bumili ng sasakyan sa malapit na hinaharap. Paano nga naman nila ito gagawin kung sapat lang ang sahod na ipambili ng pagkain, renta ng bahay, pambayad sa kuryente at tubig at pambaon ng mga bata sa eskuwelahan?

Ang kanilang nais ay lumuwag ang sinasakyang Metro Rail Transit 3 na siyang sinasandalan nila sa pag-iwas sa matrapik na EDSA.

Hindi pa nararamdaman ang pagbabago sa MRT 3. Gaya noong nakaraang administrasyon ay nasisira pa rin ang mga tren at hindi pa rin pumapasada ang mga bagong tren.

Nagrereklamo man wala naman silang magawa kundi ang magtiyaga sa siksikang MRT at mangarap na dumating ang pagbabagong inaasam.

Kailangan namang magmadali ng mga tao na mas malaki ang kinikita kaysa sa ginagastos sa pagbili ng sasakyan bago pa maitaas ang buwis.

Sila yung mga tao na willing na gastusin ang kanilang naipon na pang-down sa sasakyan at magtabi ng panghulog sa bangko na uutangan para sa kakulangan, kaysa magtiyaga sa MRT at siksikang bus.

Kung mamalasin kasi, ang kanilang bibilhin ay tataas ng daang libo ang presyo.

Bukod sa papasanin nilang dagdag na buwis sa pagbili, kailangan ay mayroon na rin silang parking. Ito ay dahil mukhang maisasabay ang panu-kalang no parking no vehicle policy sa ipapasang dagdag na buwis.

Hindi na pwede yung sa gilid ng kalsada sa tapat ng kanilang bahay magparada. Nais ng gobyerno na gamitin ang mga secondary road para mabawasan ang sasakyan sa main road.

Hindi pa rito natatapos ang kalbaryo ng bibili ng sasakyan. Itataas din kasi ang buwis sa gasolina at diesel. Kaya malamang ay hindi mo rin masyadong mae-enjoy ang sasakyan mo at ibiyahe ito ng malayo sa bigat ng presyo ng gasolina o diesel.

Pero bago ka humawak ng manibela, may lisensya ka na ba?

Pagpunta mo sa Land Transportation Office para kumuha ng lisensya walang katiyakan na pag-uwi mo ay may dala ka ng lisensya.

Marami pa rin ang umuuwi na ang dala ay papel lang na katunayan na nag-renew o kumuha na sila ng lisensya.

Kung lalabas na ang sasakyan mo. Malamang ay wala pa itong plaka. Marami sa mga nagbayad ng para sa bagong plaka may dalawang taon na ang nakakaraan ay wala pa ring plaka hanggang sa ngayon.

Kaya malamang ay isinulat lamang o printed ang plaka na ikakabit mo sa iyong bagong sasakyan.

Wala pang linaw kung kailan makapaglalabas ng bagong plaka ang LTO matapos na magkaleche-leche ang kanilang pinasok na kontrata.

Mas komplikado yata ang buhay kung bibili ka ng sasakyan. Maraming problem

Read more...