Tatandang dalaga na lang ba habangbuhay? (2)

Sulat mula kay Joanne ng Sitio Dacudao, Agdao, Davao City
Problema:
1. May trabaho naman po ako at wala naman akong gaanong problema sa career. Ako ay isang accountant sa isang private firm dito sa Agdao. Ang problema ko po ay tungkol sa love life. 41 na kasi ako sa ngayon—September 25, 1975 ang birthday ko—pero until now hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. May mga manliligaw naman ako kaya lang wala naman sa kanilang seryoso at iyong iba naman ay may mga asawa na.
2. Nais ko sanang malaman kung sa edad ko po bang ito ay makapag-aasawa pa kaya ako o habangbuhay na akong tatandang dalaga, na wag naman po sanang mangyari? Kung makapag-aasawa pa ako, Sir, kailan kaya darating ang lalaking mapapangasawa ko at magiging maligaya kaya ang pag-aasawa na papasukin ko?
Umaasa,
Joanne ng Agdao, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing ang lalaking darating sa iyong buhay sa susunod na taong 2017 sa buwan ng Agosto ay sinilang sa zodiac sign na Aquarius. Medyo maitim hanggang sa kayumanggi ang kulay ng balat niya at responsable at malambing na nilalang.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing ang lalaking magiging first and last boyfriend mo ang tuluyan mong mapapangasawa. Siya ay isinilang sa petsang 4, 13, 22 kaya’y 31. Kaya kapag may ganyang lalaki ang dumating sa iyo sa susunod na taong 2017, sigurado na ang magaganap – siya na nga ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran upang makasama mo habangbuhay.
Luscher Color Test:
Sa una n’yong pagtatagpo siya ay naka-green habang ikaw naman ay naka-pink. Ang pagtatagpong ito ay masusundan pa nang masusundan hanggang sa tuluyan na kayong maging magkasintahan. Pagsapit ng taong 2018 ay tuluyan ka na niyang aayaing magpakasal.
Huling payo at paalala:
Joanne, ayon sa iyong kapalaran, dininig na ng langit ang iyong dalangin. Pagsapit na pagsapit ng taong 2017, sa buwan ng Agosto, isang lalaking halos kasing edad mo rin ang mahuhulog mula sa langit. Liligawan ka niya at sa madaling panahon, madaling magkakahulugan ang inyong loob, upang pagsapit ng taong 2018 sa buwan ng Setyembre sa edad mong 43 pataas, tuluyan ka nang makapag-asawa at magkaroon ng isang maligaya at panghabangbuhay na pamilya na hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na R.S.

Read more...