Pinayagan ng Sandiganbayan Sixth Division si Sen. Joseph Victor Ejercito na sumama sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan.
Ito ang ikalawang biyahe ni Duterte na pinapayagan ng korte ngayong buwan. Ang una ay sa Hong Kong noong Oktobre 14-16.
Pinagbigyan ng korte ang hiling ni Ejercito sa pagdinig ng kaso nito kahapon at makakaalis ng bansa sa Oktubre 25 -27.
“As we know, Japan has been the biggest source for funds through the Overseas Development Assistance. Siguro I was invited specifically for the transport crisis,” ani Ejercito.
Kasama sa pag-uusapan sa pagbisita sa Japan ang pagtatayo ng mga bagong railway system na inaasahang makapagpapaluwag sa daloy ng trapiko.
Si Ejercito ay nahaharap sa kasong malversation at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng paggamit umano ng P2.1 milyong calamity fund ng San Juan City noong 2008 na ipinambili ng mga baril.
Sa kanyang naunang biyahe, pumunta si Ejercito sa Hong Kong upang samahan ang kanyang misis at asikasuhin ang retirement documents nito.
MOST READ
LATEST STORIES