BINALAAN ng chief prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang bansa na ang sinuman na nang-eenganyo o nangongonsinte sa pagpatay ng mga dealers ng iligal na droga ay maaaring uusigin at sasampahan ng kaso sa nabanggit na korte.
“Let me be clear: any person in the Philippines who incites or engages in acts of violence including by ordering, requesting, encouraging or contributing in any other manner, to the commission of crimes within the jurisdiction of the ICC is potentially liable for prosecution before the court,” sabi ni ICC chief prosecutor Fatou Bensouda sa isang pahayag.
Kung ganoon, uusigin o sasampahan ng kaso ang 76 na porsiyento ng populasyon dahil kinokonsentes nila ang pagsalvage ng mga taong gumawa ng heinous crime or nagtitinda ng pinagbabawal na gamot.
In other words, 76 million Filipinos out of 100 million are liable!
Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station, 76 percent ng ating population ang sang-ayon sa ginagawa ni Pangulong Digong para sa bayan.
Ang paglipol sa mga masasamang-loob sa kampanya ng gobiyerno laban sa droga ay wala sa jurisdiction ng ICC.
Ang mandato ng ICC ay imbestigahan, at sampahan kung kinakailangan, ang mga taong gumawa ng genocide, war crimes at crimes against humanity.
Ang “genocide” ay pagkatay ng maramihan na tao dahil sa kanilang race, religion, culture or political belief.
Ang mga nagtitinda o nagkakalat ng iligal na droga ay hindi pinapatay dahil sa kanilang race (sila’y Pilipino gaya natin), religion (sila’y Kristiyano o Muslim gaya natin), culture (para ang kanilang kultura sa atin) and political belief (hindi pulitika ang motibo).
Hindi nakikipagdigma ang Pilipinas sa ibang bansa; therefore, hindi gumagawa ng war crime si Digong sa kanyang ipinag-utos (kung ginawa man niya ito) na lipulin ang mga drug pushers at dealers.
“Humanity” refers to people in general; therefore, hindi gumagawa si Digong ng crime against humanity dahil hindi naman siya galit sa sangkatauhan.
Napaka-estupido nitong si ICC chief prosecutor Bensouda na paratangan si Digong ng genocide, war crime, or crime against humanity sa kanilang kampanya laban sa droga.
Bakit di nga pala sinampahan ng kaso ng International Criminal Court ang US President George W. Bush nang utusan niya ang US troops na sakupin ang Iraq?
Hindi naman binantaan ng Iraq and US ng mass destruction.
Nasa imahinasyon lang ni Bush na nagtatago ng weapons of mass destruction ang Iraq.
Napatunayan na walang tinatagong weapons of mass destruction ang Iraq, pero nasakop na ng America ang Iraq.
Sinabi ni US Ambassador Philip Goldberg na mula 2012 hanggang 2016, ang “USAID (United States Agency for International Development) contributed more than P3 billion in Mindanao and ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao), with P500 million specifically allocated for health services.”
Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng America at Pilipinas, masasabi nating nanunumbat si Goldberg.
Para niyang sinabi, “Hoy, mga ingrato kayo! Nagbigay kami sa inyo ng maraming kuwarta, pero kinagat n’yo pa rin ang kamay na nagpakain sa inyo!”
Walanghiya itong si Goldberg.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.