NANGUNGUNA at mas pinanonood pa rin ang ABS-CBN sa mas mas maraming kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa matapos itong magtala ng average audience share na 45.6%.
Ito’y mula Sept. 1 hanggang Oct. 13, base sa pinakahuling datos ng Kantar Media na kumakatawan sa 100% ng kabuuang viewing population sa Pilipinas.
Namayagpag din ang ABS-CBN sa buong buwan ng Setyembre sa average national audience share na 46%.
Walo sa top 10 na pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na may average national TV rating na 39.2%.
Namayagpag din ang Kapamilya Network sa iba’t ibang areas noong nakaraang buwan kabilang ang Total Luzon kung saan nakakuha ito ng average audience share na 41%; sa Total Visayas na may 55%; sa Total Mindanao na may 58%; sa Total Balance Luzon na may 49%; at sa Metro Manila na may 37%.