Tumaas ang halaga ng remittance na ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers sa bansa, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Umabot sa $2.2 bilyon ang personal remittance noong Agosto 2015 at tumaas ito sa $2.559 bilyon sa kaparehong buwan ng 2016.
Ang cash remittance (perang ipinadala sa pamamagitan ng bangko) naman ay tumaas sa $2.3 bilyon mula sa $1.9 bilyon.
Mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, umabot na sa $19.4 bilyon ang personal remittance mas mataas sa $18.6 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong 2015.
Ang cash remittance naman ay may kabuuang halagang $17.6 bilyon mula sa $16.8 bilyon.
Karamihan ng nagpadala ng personal remittance ay mga land-based OFW na mayroong isang taong kontrata pataas. Umabot ito sa $15.1 bilyon.
Ang remittance naman ng sea-based OFW na hindi aabot sa isang taon ang kontrata ay $4.1 bilyon.
MOST READ
LATEST STORIES