Barangay Ginebra Gin Kings lumapit sa kampeonato ng 2016 PBA Governors’ Cup

Laro sa Miyerkules
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. Meralco vs Barangay Ginebra
(Game 6, best-of-seven championship series)

ISANG panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra Gin Kings para wakasan ang kanilang walong taon na tagtuyot sa kampeonato.

Ito ay matapos daigin ng Gin Kings ang Meralco Bolts, 92-81, sa Game Five ng kanilang 2016 PBA Governors’ Cup best-of-seven Finals series Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagtala si Justin Brownlee ng 29 puntos at 10 rebounds  habang si Japeth Aguilar ay nag-ambag ng 16 puntos para pamunuan ang Gin Kings, na angat na sa kanilang Finals series, 3-2.

Naging maganda ang umpisa ng Barangay Ginebra sa laro kung saan agad uminit ang kanilang opensa para itayo ang 21 puntos, 52-31, sa ikalawang yugto.

Nagawa namang maalagaan ng Gin Kings ang kanilang kalamangan tungo sa krusyal na ikatlong panalo.

Read more...