NAGBUNGA rin ang pagtitiyaga na a-nim na members ng EB Baes na naging finalists ng male personality search ng Eat Bulaga na That’s My Bae.
Hindi na sila one of those boy dancing groups na lulubog, lilitaw na kadalasang nangyayari sa mga baguhang all-male group.
With Triple AAA Management behind their career, sasalang na sa pag-arte ang anim na members ng grupo na kinabibila-ngan nina Kim Last, Kenneth Medrano, Tommy Penaflor, Jon Timmons, Miggy Tolentino at Joel Palencia.
Bibida ang EB Baes kasama ang baguhan ding si Taki sa morning program bago ang Eat Bulaga, ang TROPS na magsisimula sa Oct. 24.
Sa anim, experienced na sa akting si Kenneth na grand winner ng That’s My Bae. Lumabas na siya sa Lenten special ng Eat Bulaga at nasa matatapos na series na Calle Siete. Si Kim naman ay nahahasa sa komedya dahil isa siya sa bagong pasok sa Sunday PinaSaya.
Very millennial ang look ng series at sumakto ito sa anim na millennial babies. Kaya naman ang kuwento ng TROPS ay tatalakay sa mga isyu ng kabataan sa makabagong panahon.