Joey Marquez kay Mark Anthony Fernandez: Nakakalungkot, naalala ko yung kabataan niya!

 

NAKASALUBONG namin si Joey Marquez sa labas ng studio ng It’s Showtime last Thursday. Hindi namin napigilan na tanungin ang dating mayor ng Parañaque tungkol sa kalagayan ng aktor na si Mark Anthony Fernandez na kasalakuyang nakapiit sa Pampanga Provincial Jail.

Gaya ng maraming taga-showbiz, isa rin si Tsong Joey sa mga nalulungkot sa sinapit ni Mark. Hindi lang kasamahan sa entertainment industry ni Joey ang aktor kundi itinu-ring din niya itong anak.

“Siyempre, nakakalungkot. Naaalala ko si Mark lalo noong bata pa siya,” lahad ni Joey.

Teenager si Mark nu’ng pakasalan ni Joey ang ina nitong si Alma Moreno. Palipat-lipat si Mark sa bahay ng kanyang Mama Ness with Tsong Joey at tahanan ng kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez at misis nitong si Lorna Tolentino.

Walang masabi si Joey sa kung ano ang kahihinatnan ng kaso ni Mark. Hindi pa niya nadadalaw si Mark. Pero nakaplano siyang dumalaw nga-yong Linggo. Probably, kasama ang mga anak nila ni Alma at mga kapatid ni Mark na sina Yeoj, Wyn-wyn, VJ at MM.

 

Read more...