Tunay na pagkatao ni Lila Sari ilalantad na sa Encantadia

lila sari

ILALANTAD na ngayong linggo ang mukha sa likod ng maskarang suot ng engkantadang si Lila Sari, ang Sinukuan, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Si Lila Sari ang engkantada na may matindi ring kapangyarihan na kinatatakutan ng ilang mga taga-Encantadia. Kinuha at itinago siya ni Cassiopea (Solenn Heussaff) noong baby pa lamang ito para hindi makilala ng mga magtatangka sa kanyang buhay.

Gumawa si Cassiopea ng espesyal na maskara para itago ang mukha ni Lila ngunit lumaki itong matalino hanggang sa malaman niya ang taglay niyang kapangyarihan.

Naging uhaw siya sa kapangyarihan at tinangkang agawin ang trono kay Cassiopea. Nahuli siya nang pagtangkaan niyang patayin ang unang reyna ng mga engkantada at ikinulong sa Carcero.

Nakalabas ng kulungan si Lila Sari para maging kakampi ni Adhara (Sunshine Dizon). Sino nga kaya ang engkantadang ito? Abangan bukas sa Encantadia pagkatapos ng 24 Oras dahil ilalantad na sa wakas kung sino si Lila Sari at kung ano ang magiging buhay niya ngayong makikilala na ng buong kaharian ng Encantadia kung sino siya.

Tutukan ang mas lalo pang umiinit na mga tagpo sa Encantadia sa GMA Telebabad na pinagbibidahan pa rin ng apat na Sang’gre na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia.

 

Read more...