Boyet pinuri si Lovi: Minsan mas magaling pa siya sa tatay niya!

lovi poe at christopher de leon

SA NAKARAANG presscon ng pelikulang “The Escort” ay tinanong si Christopher de Leon kung hindi bawal sa relihiyon niya na gumawa ng maiinit na eksena sa isang sex-drama film.

May love scene kasi sina Christopher at Lovi Poe sa “The Escort”, “Wala nang bawal sa akin. Kung napanood ninyo ang mga sexy-drama movies na ginawa ko noon, wala ang ginawa ko rito. Ngayon medyo tame na ito, at thankful naman ako dahil hindi marami ang tension.

“Saka dito, na-in love ako kay Yassi (Lovi). I’m a rich businessman, biyudo, gagawin ko ang lahat para makuha siya. Pero mind blowing ang love scene namin ni Lovi. Ang simula gentle kami with each other, then naging rough, kaya she’s nervous, I tried to be gentle with her,” lahad ni Boyet.

Tinanong naman siya kung sino ang mas magaling na artista, si Fernando Poe, Jr. o ang anak na si Lovi, “FPJ is my idol, my ninong. His daughter is a very good actor, sometimes she’s better than his father,” sagot ng aktor.

Sa tanong kung hindi ba nailang si Christopher na ang ka-love scene niya ay halos sing-edad na ng anak niya bukod pa sa anak ito ni FPJ.

“Sa totoong buhay naman, maraming mga mas bata ang pumapatol sa mga may edad na kagaya namin. So, it’s a reality,” katwiran ni Boyet.

Read more...