JOHN LLOYD tumanda raw, biglang natuyot nang dyowain si ANGELICA

john lloyd cruzHindi na raw pang-matinee idol ang itsura ngayon

MAY nakita kaming photo ni Atom Araullo na kasama si John Lloyd Cruz.

Nakaka-turn off ang photo at hindi glamorous ang shot at nagmukhang matanda si Papa Lloydie sa hitsura niya sa picture, para siyang natuyot na ewan.

Meron siyang bigote at talagang hindi matinee idol ang kanyang arrive sa photo.

Ibig bang sabihin nito, hindi magaling mag-alaga ng dyowa si Angelica Panganiban?

Hindi namin alam kung saan kuha ang photo or who posted it pero nakita namin ito sa Twitter account ni Atom with this message, “Fanboy moment.

Sino ba to? Nagpapicture sa akin eh :-D”.

Tila nakainom si John Lloyd when the photo was taken.

Hindi lang kami sure kung si Atom ang kainuman niya that time o nakatungga na nang magkita sila ng news reporter ng ABS-CBN.Naku, hindi kaya mapagalitan si Atom dahil sa photo na ito?

Para kasing ibinandera pa niya sa buong mundo ang itsura ni Lloydie kapag nakainom?

But it’s also possible na baka ngarag lang at puyat si John Lloyd when the photo was taken kaya ganu’n ang itsura niya.

Read more...